Isa Pang Pagkakataon, Para Sa Bayan

Dear Mar Roxas,

Parang kailan lang na umiiyak  kaming supporters mo sa resulta ng halalan noong 2016. Pero noong time na yun ikaw pa ang umaalo sa amin. You accept everything graciously then.

 

Nakita namin how you heal your wounds. You travel, umakyat sa bundok at nakisalamuha sa ibang tao.

 

Sa kabila ng pagbulusok pababa ng bansa, hindi ka muna nagsalita, nirespeto mo ang administrasyon na ipakita sa bayan yung sinabi nilang “pagbabago”.

Isang beses lang kitang nakitang nagsalita, yung sumampa na sa P70 ang kilo ng bigas sa Mindanao at nakita mong hirap na ang mga tao. Bilang Ekonomista nagbigay ka ng solution na alam mong makakatulong.

 

 

Alam ko hindi madali sa iyo ang desisyon na tumakbo uli. Pero alam ko din na hindi mo matitiis ang tawag ng paninilbihan sa bayan.

Ang daming intriga sa simula palang ng kampanya. Kesyo bakit ka daw humihiwalay. Ako naiintindihan kita. Kasi sa lahat ng mga kandidato sa iyo laging may mga trolls na naka assign. Parang automatic pag nabanggit ang Mar Roxas dagsaan agad ang trolls para laitin ka. Kaya doble kayod ka sa pagkampanya sa ground at sa social media to debunk all the fake news na ginawa ng mga trolls sa yo. Kailangan mong mag-iba ng strategy para hindi madamay ang pito sa pag pull down sa iyo.  Pero alam ko din na dala mo ang Otso Diretso sa bawat lugar na pinuntahan mo lalo na sa mga balwarte mong lugar.

 

 

Compared sa iba mas maraming trolls ang naka assign sa iyo. Gusto ka nilang hilahin pababa sa survey. Pero hindi ka nagpatinag. Nilatag mo ang iyong plataporma at kung ano ang puwede mong gawin para sa ikabubuti ng bansa. You bank sa malinis mong track record at malinis mong intention.

Ilang araw na lang election na. Naniniwala ako na nakikita na ng bayan kung gaano ka kahalaga sa panahon ngayon. Naniniwala ako sa kabila ng fake news na pinukol sa yo at mga survey na lumalabas, ilalagay ka pa din ng taong bayan sa pwesto. Naniniwala ako na sa dulo ng lahat ng ito ang katotohanan pa din ang mananaig. Naniniwala ako sa pagkakataong Ito, pipiliin ka na ng taumbayan.

 

Salamat po sa pagkakataon na makampanya ko po ulit kayo.

 

Isang Supporter,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *