Ipagtirik Natin Ng Kandila Ang Mga Pangako Ni Duterte Na Namatay

Dear President Duterte,

Since hindi niyo naman pinatawad ang selebrasyon ng All Saint’s Day, hayaan niyong ipagtirik namin ng kandila ang mga pangako niyong tuluyan nang namatay.

 

 

Maaaring hindi ako Katoliko, pero wala kayong karapatan na murahin sila. Wala kayong respeto.

Hayaan mong magsindi din kami ng kandila sa mga salita mong naglaho na parang bula.

 

 

Hindi matigil ang corruption kasi wala namang napaparusahan, nirerecycle mo lang. Yung sa BOC, si Faeldon after ng noong 6.4 bilyon na shabu kung saan sangkot ang anak mo, nilipat mo lang ng opisina. Si Lapeña, 6.8 bilyon din na shabu, napromote pa. Ang mga Tulfo naparusahan ba? Naapoint mo pa nga ang kapatid na si Mon Tulfo.  Kaya pinagloloko niyo lang kami noong panahon ng kampanya.

 

 

Nangako kayo na 3-6 months ok na ang problema sa droga. Luh, madami lang ang namatay pero nagkakalat pa din ang shabu. Hindi niyo pa rin mahuli si Peter Lim na kumpare mo. Nakalaya yung anak ng alleged Shabu Queen. Yabang-yabang niyo pa, pagdating ng oras namatay din ang pangakong yan.

 

 

Dami niyong reklamo dati sa traffic, minura niyo pa ang Pope, tapos ngayon wala kayong maisip na solution kung hindi emergency power.

 

 

Eto ang masaklap, walang magagawa? Di ba best and the brightest ang gabinete mo, tapos walang magagawa? Last Christmas pinirmahan mo ang TRAIN kahit ang daming pag-aaral na nagsasabi na magiging pahirap ito sa mamamayan. Tapos ngayon halos ang iba kumakain na nang isang beses na lang sa isang araw, sasabihin mo na wala kayong magagawa? Bakit hindi mo I try suspindehen ang TRAIN mo ng tuluyan?

Tapang at Malasakit daw, Tapang at Pasakit kamo.

 

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *