Inhale Courage, Exhale Fear

Dear KaPAB,

After hearing last Tuesday napuno ang inbox ko ng hate messages. And ang mga DDS trolls ay busy pag spliced ng videos to fit their narrative. Halimbawa ng mga mensahe na natatanggap ko.

Wednesday morning, I had a phone patch interview sa show ni Atty. Falcis at Atty. Bruce. Habang iniinterview nila ako nandoon ako sa taas ng apartment namin, may kumatok na lalake sa pala sa may gate.

After ng interview kinausap ako ni Mama. Ayun sa kwento ng Mama ko. Nilabas niya ang lalake at kinausap. Nagpakilala na taga Smart daw siya, at they are checking signal daw. Tapos nagtanong kung doon ako nakatira, kung ilang taon na, kung may asawa ako at ilan kami sa bahay tapos kung kaano ano ko daw si Mama. Tapos ng paalis na, he took picture of of our house.

After ni Mama magkwento, I asked her kung nagpakita ng ID yung lalake, sabi ni Mama hindi niya naalala na hingan niya ng ID. Nasanay kasi sya na sa province ok lang ganyan.

So kaagad nag post ako sa FB at twitter.

Sa twitter sumagot ang Smart. Eto sagot nila.

Alam ko na hindi normal ang mga tanong nung lalake na nagpanggap na taga Smart kaya nag double verify ako.

Umalis ako sa bahay at nagtext ako kay Mama just to be sure na tama ang mga info ko.

Then I contacted Smart Communications. Tumawag ang Smart sa akin ngayong gabi. Wala daw silang pinadalang tao to check Smart signal sa bahay ko at hindi daw ganyan magtanong ang mga technician nila.

Then I am now sure that my life now maybe in danger. Nagpablotter na po ako. Walang CCTV ang apartment namin.

May konting takot sa dibdib ko, not for myself but for my family. Alam ko na hindi madali ang laban na tinatahak ko. Hihingiin ko po ang dasal niyo para sa kaligtasan ko at ng pamilya ko.

May takot pero patuloy na lalaban para sa katotohanan at sa bayan.

Naninindigan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *