Yung Influencer na Biglang Nagbago ang Prinsipyo

Dear James Deakin,

Over the weekend I am sure nagulat kayo sa backlash ng picture na to no?

Alam niyo po, hindi mo masisisi kung masama sa panlasa sa mga Pilipino na makita si BBM at ikaw in one picture. Hindi maganda ang karanasan ng taong bayan sa pamilya Marcos. Madugo at maraming corruption ang nasa kasaysayan.

Isa kang influencer sa social media. Your choice ay nagrereflect sa values kung ano ang meron ka. Tapos eto pa ang sagot mo. Resibo.

Sabi mo hindi ka endorser at defender ni BBM. So what is the purpose of this video again? Interview about transportation? Nyek, ni hindi nga marunong si BBM nang pamasahe sa Metro Manila, duh. Resibo.

Apat na piso daw? Panahon pa yun siguro ni Mahoma. Alam naman natin na double time ang socmed PR ni Bongbong para pabanguhin ang pangalan niya. Eh bff mo ang socmed strategist niya na si Franco Mabanta. Resibo.

Kaya syempre sumakay ka din. Binayaran po kayo? Magkano po?

Akala ko yun lang ang kapalpakan na puwedeng mangyari sa inyo. Ginamit mo pa si Ms. Kris Aquino to defend that horrible photo with BBM. Resibo.

False dichotomy kayo eh. You are comparing apples to ampalaya. Sa comparison natin syempre si Ms. Kris ang apple.

Una hindi pulitiko si Ms. Kris. Pangalawa sa interview mo with BBM kung nakatanggap ka ng bayad, galing kay BBM yun. Yung kay Ms. Kris, Petron ang nagbayad sa inyo to do that video. So wag mong gamitin si Kris, sa kapalpakan ng choice mo.

Marcos stole from us at hanggang ngayon binabayaran pa namin. Maraming namatay sa panahon ng Tatay ni BBM, and until now BBM and his family ay hindi man lang nagsorry. So if people hate you for acquainting yourself with BBM, you can’t blame them.

This is not a comparison between Aquino and Marcoses. It is between the good and evil.

NaKrissified ka tuloy kagabi ng sinagot ka ni Ms. Kris. Resibo.

Blog #3: WO-MAN UP

You don’t use woman as pangsangga sa batikos. Masama yun. Man up ka dapat.

Well, good thing is that nag reach out ka, nag sorry ka at inamin mo ang mali mo.

Buti na lang mabait si Ms. Kris Aquino.

And next time mamili ka ng kabigan na didikitan mo, kasi minsan yun ang magpapahamak sa yo.

Nangangaral ng Slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *