Increase sa Intelligence Fund ni Duterte Tapos Bawas Naman sa Educational at Health Fund

Dear President Duterte,

Di ba kaya ka tumakbo kasi sabi mo para ka sa mahihirap? Bakit parang gusto mo silang maging mangmang?

 

Binawasan mo ang budget ng CHED. Paano pa makakapag-aral ang 350,000 na estudyante? Gusto ba silang manatiling mangmang para maniwala sila sa mga pambobola mo?

 

Binawasan mo ang budget ng mga mag-aaral sa classroom, sa silya pati na sa teaching personnel. Saan mo balak magklase sila, sa ilalim ng tulay? Ok lang yung mga mayaman na nag aaral sa public school, pero ang maapektuhan na naman ang mga mahihirap sa ginagawa mo eh.

Tapos eto pa ha, pati budget sa Department of Health binawasan mo din.

 

Paano na ang mga doctor’s to the barrio? Paano na ang mga lugar na malayo na walang doctor? Hindi mo man lang ba sila naisip? Wala kang awa!

Ang masaklap bilyones ang intelligence fund mo.

Pasarap buhay ang opisina mo, habang ang mga nasa laylayan pinagkaitan mo ng edukasyon at kalusugan.

Tse!

Yamot sa Gahaman,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *