Incompetence ng DFA Binalandra ni Thinking Pinoy

Dear Secretary Cayetano,

Tingnan mo kung anong katangahan ang ginawa ng mga tauhan mo.

 

Yung hindi alam ang protocol at ito namang tao mong si Thinking Pinoy kasi famewhore nagpost ng video pa. Ngayon lahat ng mga Filipino sa kuwait napahamak.

Una kasi dapat nakipag coordinate kayo  Kuwaiti Government bago kayo mag ala Cardo ng Probinsyano na sumugod doon.

Ikaw ano ang mararamdaman niyo kung dito sa ating bansa mag rescue ang mga Arabo ng tao nila without coordinating with Bato? Hindi ba nakakawala ng respeto?

Yang tauhan mo na si Natabio ang gumalaw? Yan ang hirap pag ang empleyado ay kulang sa alam eh, buong bansa ang napapahamak. Hindi niyo ba alam na diplomatic personnel naman natin ay walang police powers? What they did is an abused of their privilege.

Front page tayo sa Kuwait oh.

Ngayon nasabon ang diplomat natin doon. At ayun pa sa post na to, papaalisin na ang ambassador doon.

So ngayon nalalaman niyo ba ang epekto nito sa mga OFW?

Ayan kaya niyo bang salagin lahat yan? Papuntahin mo ang famewhore na si Thinking Pinoy, at ipasalag mo sa kanya ang napipintong pagmamalupit na madadanasan ng mga OFW natin doon.

Hirap sa inyo lahat akala niyo pang social media. Pinagmayabang niyo pa ang video. Ayan tuloy, daming napahamak.

Mga incompetent!

Yamot sa mga Famewhore,

PAB

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *