In Reply To Yorme’s Stand on Manila Bay Rehabilitation

Dear Yorme Isko,

Nabasa ko ang stand niyo about Manila Bay “white sand”  rehabilitation.

Mukhang kumakampi kayo sa DENR “for now”. Perhaps ang mga reason na ito will change your mind.

1.

Ang pinagkuhanan nila ng “white sand” kuno ay galing sa sinirang bundok sa Cebu. Maaatim niyo bang mapaganda ang inyong siyudad pero may sisirain namang kalikasan?

2.

Nasa gitna tayo ng pandemya, libo-libo ang nawalan ng trabaho, ilang pamilya ang nagugutom, kahit nga po sa siyudad niyo ang daming namamalimos eh. Uunahin pa ba ang buhangin sa Manila Bay bago ang bigas sa mga kumakalam na sikmura?

3.

Maraming eksperto na ang nagsabi na sayang lang ang pera. Pag bumagyo mawawala ang puting buhangin at babalik ang natural na itim na kulay at baka may kasama pang basura.

4.

Eto ang pinaka importante sa lahat, yung white sand na tinatambak nila Manila Bay ay Dolomite dust na masama sa kalusugan ayon na mismo sa DOH.

Paano makakagamot Ito sa mental health kung mahihirapan namang huminga ang mga tao?

Sana magbago ang isip niyo pagdating sa isyu na ito.

Yorme, you have been governing Manila on your own. And you are doing it well. Hindi kailangan maging “Yes, Sir” sa mga plano na walang katuturan na project. Make your stand. Unahin mo ang kapakanan ng taong-bayan, kasi yun ang tama.

Yamot Sa Mga Insensitive,

PAB