In Reply to Tito Sotto

Dear Senator Tito Sotto,

Narinig ko ang kadramahan niyo noong isang araw about sa election. Kesyo may dayaan. Walangdyo, parang nagkopyahan lang kayo ng script ni BBM.

Kung may dayaan noon, bakit selective lang? Ano yun, may daya sa VP at senator tapos wala sa presidente? Luh, parang timang lang. Ayan po oh, nagsalita na ang Comelec.

At saka yung tanong mo kung bakit may transmital ng May 8 or May 9 palang, ako na lang po ang sasagot ha, nakakahiya naman sa inyo ni Grace Poe. Kasi feeling niyo dalawa na nadaya kayo.

Ganito kasi yun beshie, hindi lahat ng presinto ay nasa kabihasnan o syudad. Yung ibang presinto po kasi na nasa liblib na pook dumarating po sa kanila ang machine minsan a day before the election. Syempre bago ang final voting may dry run for transmittal, kung gumagana ba or may signal.

So yung sinasabi mong early transmittal malamang yun, yun. At saka kung feeling niyo may daya sa election might as well isama nang kwestyunin mula presidente hanggang konsehal.

Seriously? After 2 years ngayon mo yan ibobrought up? Nag -usap ba kayo ni BBM?

Anyway, since malinis naman ang konsensiya ni VP Leni, umaayun siya na paembistigahan yung mga kuda po ninyo. At para magkaalamanan na kung may dayaan nga ba from President to councilor.

So, game? Good luck sa protest ni BBM. Matatapos yan mga 2030 pa, tapos talo po sa huli. Hehehe

Natatawa ng Slight,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *