In Reply to the PCOO “Theologian” Mocha Uson

Dear Mocha Uson,

Sagutin ko lang itong post mo ha. Kasi feeling expert ka sa bible eh.

“Insulted the God of creation according to the Catholic’s belief?”

Huy, beshie ano ang ginagamit mong bible? Wala ba si Adam and Eve sa Book of Genesis? Yun kasi ang ininsulto ni Duterte. Yung nagcreate daw kay Adam and Eve. Sino ba Diyos niyo ni Duterte? Si Satanas?

Hindi ito usapan between Catholics or Non Catholics. Usapan ito ng pambabalahura sa Diyos. Even Islam have an Adam and Eve sa bible nila.

Tapos gumamit ka pa ng bible verses na pucho-pucho mong binasa.

Hindi ito pag uusap based on religion, bes. Based sa video na to, wala syang binanggit na Catholic or Christian. Ang binanggit lang niya ang Diyos.

Which part ang hindi mo naintindihan sa statement na to?

Kahit anong religion, walang religion na nagbibigay ng permit o nag e-eencorage na kutyain ang ibang tao. Ang essence ng lahat ng religion mamuhay bilang kapatid ng kapwa. Moslem. Jews. Buddhist. Hindu. Christianity. Lahat puro peace. Bakit ganun kayo ng Presidente mo? Full of hatred and divisiveness.

Gumamit ka pa ng mga bible verses, selective naman. Huwag pira piraso ang pag quote sa Bible. Magbasa in relation to other bible teaching.

Mt 12:30. Whoever is not with me is against me. Whoever does not gather with me scatters. Yan ang ginagawa niyo ni Presidente kasama ng mga minions mo. Divisiveness.

Pero sana Acts 5:29 which says  “Peter said we must Obey God rather than men!” and Romans 13:1-7 must be interpreted together para mas tama ang interpretation. Kasi kung pucho-pucho lang gaya nang ginagawa mo sa pagtatanggol sa pangulo, napapariwara ang banal na ebanghelyo. In fact that Romans quote was used by Hitler. Don’t read bible pira-piraso.

Division at Diablo come from the same rootword, “divide”, he who divides is diabolical. So alams mo na bes, kung sino ang diablo sa istoryang ito?

Since nagpapa bible verse ka, eto hanapin mo na lang ha.

Jesus in Luke 13:32

Jesus called King Herod a fox. Jesus was not afraid to confront the erring King.”

So bakit kami magiging hypocrite kung punahin namin ang kabastusan ni Duterte?

Exodus 1

Moses defied Pharaohs in Egypt because God commanded set my people free. 

Sa ginagawa ni Duterte sa bansa, gagawa ng paraan ang Diyos na makalaya ang bansa, tandaan mo yan.

John 19:10

Jesus said to Pilate you will no authority over me unless it had been given to you from above.”

Kung sabi ni Duterte, ang Diyos ang naglagay sa kanya, ang Diyos din ang gagawa ng paraan na alisin siya. Pag nangyari yun, saan ka kaya pupulutin, bes?

Daniel defied King Nebuchadnezzar. Daniel was advocate of civil disobedience because the King was ridiculing the God whom Daniel worshipped.”

Marami nang “Daniel” na nagigising. Wait ka lang bes. Darating ang araw na kahit anong pagtatakip mo sa sinasamba mong si Duterte, hindi na uubra sa taong bayan. Hintay ka lang.

Yamot sa Mga Diablo,

PAB

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *