In Reply To Robin Padilla’s Kuda

Dear Robin Padilla,

Napanood ko ang rant video mo. Nagalit ka na dahil pinuna ng mga tao ang pagsama-sama sa junket ng mga kaibigan mong wala masyadong project, gaya ni Cesar Montano, Phillip Salvador at Moymoy.

 

Natawa ako sa sinabi mo na sarili niyong pera ang ginamit niyo sa pagsama-sama sa pangulo. Tapos sa huli sasabihin niyo bigay ng mga supporters niyo? Ano ba talaga Kyah, sariling pera o bigay? Ang gulo mong kausap.

Ok, given na totoo ang sinasabi mo na they paid for their own ticket and hotel, so yung pagsakay-sakay nila sa vehicle service while nasa Russia sila kasama ng mga delegates sila din nagbabayad? Paano? Eh gobyerno natin or ng host country ang nagbabayad diyan. Yung mga pagkain sa event sila din nagbabayad? Paano? Kanino binibigay?

The point is one way or another ginagastusan ng taong bayan ang mga kaibigan mo na wala namang personality sa gobyerno. Sure ako na Cesar and Ipe walang personality, I’m not sure about the other guy.

And bago tayo magkalimutan your friend Cesar ay nasangkot sa kaso ng corruption noong nasa gobyerno pa siya. To see him na karay-karay na naman ng presidente na parang walang nangyari leaves a bad taste in the mouth.

Walang talent fee? Well then good, choice niyo yan. Pero huwag mong iimpose sa taong bayan na hindi magbatikos kasi buwis namin ang sangkot dito.

Kaloka.

Yamot Sa Mga Sinungaling,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *