In Reply To Robin Padilla

Dear Robin Padilla,

Huy napanood ko yung kuda mo about kay Frank Drilon. Nakakaloka ka, nag comment ka talaga about sa BBL at Federalism. Nagalit ka ng sinabi ni Senator Drilon na hindi na kailangan magbago ng constitution kasi nga pinasa na man ang BBL.

Tama naman siya na hindi natin kailangan ang Federalism sa panahong ito eh.

Pero alam mo ang nagpatawa sa akin nang sinabi mo to.

Sila po mga “animalist”? Sumasamba sa kalikasan”? Luh, mali ka po. Hilo ka ba? Kyah, mali ang manlait. At kung sakaling manlait ka, siguraduhin mo naman na tama ang sinasabi mo. Eto ha, libreng lesson.

“Animalism pertains to the philosophical theory in regard to the metaphysical nature of humans: that humans are simply animals, and not immaterial souls.”

Ang tao na gaya mo daw, ay animal. True? Animal ka?

At ang tamang term Kyah, ay “animism”. It refers to the belief that natural objects, such as trees, animals, rivers, rocks, and the like, are animated by spirits.

Ok na po? So next na magFB live ka at mamintas ng tao, make it sure na tama ang sinasabi mo. Tse!

Yamot sa Memang Sipsip,

PAB

P.S. Huwag ka nang mag thank you. Balato ko na sa yo yun. 😂😂😂

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *