In Reply to PIA Chief Harold Clavite

Dear PIA Chief Harold Clavite,

Sagutin ko lang formally ang rant mo sa akin kahapon ha. You posted this.

Nagalit ka kasi na- call out ang kapalpakan ng opisina mo. Ang di ko maintindihan kung bakit galit na galit ka samantala sa ibang netizen inamin ng office mo na nagkamali kayo.

 

Tinawag mo akong troll just because pinuna ko ang kapalpakan ng ahensiya mo? Basahin mo uli language mo ha, pansinin mo kung sino ang asal troll. Akala ko pa naman iba ka kay Mocha, yun pala pikon ka din pag pinupuna.

Tinawag mo akong digital terrorist? Ok ka lang? Kaya mo bang patunayan yan? Ang pagkakaiba natin, ikaw tax ng bayan ang sumusweldo sa yo, kasama ako sa bayan. Kung pinupuna ko man ang kapalpakan mo,  karapatan ko yun bilang taxpayer.

At saka Kyah, this is not the first time pumalpak kayo sa PCOO. Remember this?

 

Yung caption soldiers ng Marawi tapos yung picture photo noong Vietnam war? Kalurkey kayo.

Or gusto mong ipaalala ko sa yo kung paano niyo ginawang chat room ang website niya? Halos lahat gusto niyong ireangle. Doon namin nakilala si Lei, kung sinuman siya.

 

Pero Kyah, walang tatalo sa kapalpakang ito.

 

Yung logo ng Department of Labor and Employment ay pinalitan niyo ng logo ng DOLE pineapple.  Patawa ang department niyo Kyah.

Kaya please lang, huwag mong sabihin sa akin kung nakakatulong ako sa bayan, kasi nagbabayad ako ng buwis para may maisweldo ang gobyerno sa mga pikon na kawani na katulad mo.

Next time na tawagin mo akong troll, humarap ka muna sa salamin, kausapin mo ang sarili mo kasi ikaw ang asal troll. Tse!

 

Yamot sa Kaugali ni Mocha,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *