In Reply to Partylist Representative Eric Yap

Dear Representative Eric Yap,

Nabasa ko tong sinabi niyo about me.

Though wala namang connection ang itsura ko sa isyung niraise ko sa page, sagutin na lang kita ha.

Una ang isyu, bawal kasi ang epal sa mga elected officials na gaya mo.

It’s in the law po. In case you don’t know or you forgot let me refresh your memory.

Revised Guidelines on the Naming and Renaming of Streets, Public Schools, Plazas, Building, Bridges and other Public Structures (NHCP):

IV. 4. No local government units, institutions, places or buildings shall be named or renamed after a living person.”

Kahit pa sabihin mo na may ginastos ka na sarili mong pera sa laboratory na yan since nasa gobyerno ka, at buhay ka pa, bawal pa rin.

Though we don’t have solid evidence that indeed you used your hard earned money to splurge on that facility, as I said mali pa rin.

Kahit pa sabihin mo ako na kamukha ng virus, wala naman sa isyu yun, ang importante ngayon pinaalis mo ang pangalan mo sa building na yan, kasi yun ang tamang gawin.

Instead na laitin mo ako, dapat nga nagpasalamat ka kasi , when I called you out it led you to decide to do the right thing.

So, you are welcome po.

Mukha man akong Covid19 sa paningin mo, at least hindi epal gaya niyo po.

Matanong ko lang, troll po ba kayo? Kasi po same attitude po eh.

Natatawa Sa Mga Pikon,

PAB