In Reply To Jiggy Manicad’s Apology

Dear Jiggy Manicad,

Napanood ko interview mo with Rappler. Nabanggit mo kami ni Professional Heckler.

 

Una, apology accepted.  Pero kahit you unblocked me, it does not matter naman kasi I don’t follow you naman yata sa Twitter.

Mas may mahalagang issue na dapat pag-usapan.

 

So kahit hinaharass na ang ang kabaro mo, ok lang kasi style ng presidente? Wow ha, mukhang tama si John Nery na tawagin kang traydor.

 

 

Focused ka lang sa isyu? So ang pagnanakaw hindi isyu sa yo? Remember pinapabalik ng korte ang milyones na napunta kay Bong Revilla. Kung issue focused ka, dapat mabigat sa iyo yun.

 

Noong campaign na-offend ka sa rape joke? Ngayong tumatakbo ka under sa Hugpong ni Sara Duterte, ok na sa iyo ang rape joke kasi istilo ni Duterte? Kasi live kaya ok lang?

Ano nangyari sa prinsipyo mo? Sayang ka. Ang aga mong naging trapo.

I accept your apology, but sorry you are not #TheLeaderIWant.

Yamot Sa Trapo,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *