In Reply To Jerome Tan

Dear Jerome Tan,

Hindi ko alam why you tagged me sa post mo. Close ba Tayo?

Anyway magbibigay na lang ako ng opinion ko ha. Your apology is lame for me because of the following reasons:

First, hindi sa account na ito na post mo ang fake news na nilabas mo tungkol kay VP. This is the account you used.

Dito sa account na ito kinalat mo ang fake news. Hindi ba tama na incorrect mo ang pagkakamali mo with the same account. Bakit sa ibang account mo napost ang apology mo?

Second, yung reason mo pag apologize, “hindi inaalam ng mas mabuti”? The reason kaya galit ang mga tao kasi fake ang post mo, kasinungalingan! Kung Hindi mo alam kung saan ka nagkamali, para saan pa ang apology mo?

Paano ka matututo kung ang pagkakamali mo kung hindi mo alam?

Actually, hindi lang si VP Leni ang nasaktan mo or ang pamilya niya. For sure somehow nasasaktan din ang pamilya mo. Maybe your mom is hurting too kasi nilagay mo sa sarili mo sa alanganin. In your bio model ka, ngayon laman ka ng news at social media for all the wrong reason. Sino bang ina ang hindi nasasaktan kung mangyari iyan sa anak nila? You also owe an apology to your family lalo na sa Mama mo.

Sana may natutunan ka sa sitwasyong ito.  Jerome, hindi ito freedom of speech. Your freedom of speech ends when your peddling of fake news begins.

You are young, may magandang bukas pa na puwedeng mangyari sa iyo. Huwag maging blind follower, at susunod ka lang  without discernment. Yung mga kasama mo sa chat room where the fake news started, nasaan na sila ngayon? If VP Leni will decide to pursue the case against you, will they have your back? Hindi di ba?

I don’t know what will be the OVP’s decision. Walang nakakaalam kung tatanggapin ni VP Leni apology mo. Malalaman siguro natin after ng Community Quarantine.

For now, magnilaynilay ka muna sa nagawa mong mali.

 

Yamot Sa Fake News Purveyor,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *