In Reply to Atty. Bruce Rivera

Dear Atty. Bruce Rivera,

Nabasa ko ang post mo na panlalait kay VP Leni.

Sagutin lang kita punto per punto ha. Binalik mo na naman ang video na pinadala ni VP Leni sa UN. Di ba totoo naman na during that time, halos 7,000 na nga ang namatay. In fact yan ang same figure na ginamit ni Aguirre when he was in US. Resibo.

So kung galit ka kay VP Leni dapat noon pinagalitan mo din si Aguirre. Pero syempre tameme ka, kasi kapalpakan ng tauhan ng Presidente.

Nabanggit mo na naman yung pagkuha ni VP Leni ng mga tinapon ng gamit sa Boston. You use the statement “virtually rob the homeless”. Alam ko matalino ka eh. At alam mo na ang mga second hand sa US na mga gamit ay mga bago pa, lalo na sa dormitory area kasi hindi na inuuwi ng students ang mga gamit pag umuuwi na sila. Hindi ko alam, bakit nagtatanga tangahan ka sa statement na yan.

When you say president prerogative ang pag withdraw sa ICC pero di ba under our constitution, Article VII, Section 21 of the 1987 Constitution states “no treaty of international agreement shall be valid and effective unless concurred in by at least two-thirds of all the members of the Senate.”

“A treaty or international agreement ratified by the President and concurred in by the Senate becomes part of the law of the land and may not be undone without the shared power that put it into effect.”

So dapat kung susundin ang saligang batas hindi dapat ang presidente lang ang nagdesisyon. Kaya lang duwag ang poon mo.

Kaya makatawag ka kay VP Leni na stupid, wala kang pinag kaiba kay Mocha, abogado ka lang na balahura ang bibig.

Yes you maybe right, that our country may have the best codified laws in human rights. Ang tanong, nasusunod ba? Ang accomplishment report ng mga pulis ay 20,000 deaths. Resibo.

Sa tingin mo ba nagamit ang batas sa human rights sa mga namatay na yan?

When the Congress threatened the budget of CHR, tuwang tuwa pa kayo noon di ba?

Maganda nga ang human rights law pero hindi naman nasusunod. Waley din.

Alam mo sayang ka, abogado ka pa naman, hindi ka na lang nag stick sa issue base approached. Sinamahan mo pang mga ad hominem. So wala ka ngang pagkakaiba kay Mocha, kalevel mo sya Acheng sa kabastusan ng bibig. Kadurdur.

Sabagay your previous group rejected you na no? Wawa ka naman. Yung post mo na to, is this your way para tanggapin ka uli nila? Luh, goodluck sa yo.

Yamot sa Bastos ang Bibig,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *