In Reply sa Kabastusan ni Bobi Tiglao

Dear Bobi Tiglao,

I read your post kung paano mo binalahura ang mga kapwa mo journalist just because you don’t agree sa mga FACTS na nirereport nila. Yes, all caps ang FACTS, kasi nasasanay ka na sa fake news. This is your post.

Ok, obviously alam natin kung saan ang loyalty mo. Hindi sa profession mo as a journalist kung hindi sa poon mong si Duterte.

Lakas mong makapintas sa mga nasa picture, ikaw na walang pinagkatandaan at purveyor ng fake news? Wow ha. Isaisahin natin ang mga tinawag mong “sissies”. Start tayo from the left.

FELIPE VILLAMOR

Eto ang tinatawag mo na sissy? Bakit?  Kasi dahil sinulat niya ang FAILED war on drugs ni Duterte? Dahil sinusulat niya ang totoong nangyayari sa bansa? Hindi ba katapangan yun? Na binabangga mo ang malaking tao, para maireport lang ang tama? Ang sissy yung pumapapel sa pamamagitan ng pagkakalat ng fake news. Gaya mo.

Eto ba ang “sissy” sa yo?

Nakarating na sya sa iba’t-ibang mapanganib na lugar to cover news. Ikaw? Ngangey!

INDAY ESPINA-VARONA

Sabi mo Ms. Varona, “never written anything for mainstream media outfit.” Sinungaling ka! Anong tawag mo sa ABS-CBN, small time media outfit?

Ang sinasabi mong “sissy” ay isa sa mga nakikipaglaban para sa bayan mula noon hanggang ngayon. Investigative news chief sya ng Manila Times oh. Ano ka nga sa Manila Times uli? Yep, columnist.

Youngest Editor-in Chief siya noong 2003 ng Philippine Graphic. Yan ba ang “sissy” sa yo? Wala ka sa ni katiting na naachieve niya sa larangan ng journalism. Wag kang ano.

ED LINGAO

Ang tinatawag mong “Sissy” ay isa sa mga iilang journalist na nagcover sa giyera sa Afganistan. Siya lang naman ay binigyan ng award sa katapangan niyang sumuong sa panganib maihatid lang ang tamang balita. Resibo.

Compared sa katapangan ni Ed Lingao, dumi ka lang sa kuko niya.

EZRA ACAYAN

Tinawag mo syang “sissy”. Sabi mo freelance photographer sya. Walang masama sa pagiging freelance. His photos are being featured sa mga international news agency. Ikaw may litrato ka na bang pinasa na nagamit internationally? Waley no? Check mo kung saan nagamit ang mga photo ni Sir Ezra.

These photos ng bloody drug of war ay isang patotoo na palpak ang poon mo. Si Ezra ang nagbibigay ng buhay sa mga emosyon ng pamilya.

You are nothing compared sa katapangan pinapakita ng taong to para maihatid lang ang tamang balita sa pamamagitan ng litrato.

PIA RANADA ROBLES

Sure kang “sissy” sya? E yan ang kinakatakutan ng poon mo eh. Kaya ng babaeng to humarap sa bastos mong poon at magtanong ng mga dapat itanong.

Kahit binabastos sya, she stood her ground. Oh and by the way magna cum laude sya sa Ateneo.

Yang small frame niyang yan, yan ang kinakatakutan ng poon mo. Kung katapangan lang ang pag uusapan, walang wala ka sa katapangan ni Pia Ranada.

JC GOTINGA

Siya lang naman ang isa sa mga matapang na nagcocover sa West Philippine Sea. And narecognize ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) ang mga reports niya.

Ikaw po, kumusta naman ang pagkakalat mo ng fake news? Nilait mo pa ang Al-Jazeera sa pasweldo nila, as if nasa payroll team ka. According to my source mataas ang fee nila no? Wala namang chance na malalaman mo how much kasi for sure hindi ka papasa sa Al-Jazeera, bawal fake news doon eh.

Nagagalit ka kasi sinabi nila na ang media ay under threat. Totoo naman di ba? Nababasa mo ba ang harassment na mga post at comment sa kanila? Yung Rappler kinasuhan, yung Inquirer yung may ari tinatakot sa mga kaso, yung ABS-CBN binabantaan, sa tingin mo ba binebaby sila sa lagay na yan?

Hirap sa yo sa sobrang sipsip mo sa administrasyong ito ay kaya mong balahurain ang mga kasamahan mo sa industriya.

Kung makacomment kang matanda, feeling mo bata ka? Baka nga mas matanda ka pa sa anim na tinitira mo eh. Sila tatanda na may magandang legacy na maiiwan, ikaw waley.

Ikaw ang best example na di dapat tularan. Tse!

Yamot sa Fake News,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *