Impeachment Case or Demolition Job

Dear KaPAB,

Ayokong magpaka technical hindi pa naman ako abogado eh. Simplehan natin ang usapan sa impeachment kay CJ Sereno.

Patapos na ang hearing sa mababang kapulungan, pero ni isang akusasyon wala pa silang nakita na impeacheable offense.

Ibang tactic ang ginawa, force resignation na hindi umubra, kasi mas gugustuhin ni CJ na harapin sila sa proper forum.

CJ Sereno Quote | Pinoy Ako Blog

Alam ng tao at alam nila na hindi uubra ang mga paratang nila kay CJ pag mag full blown trial ito pagdating sa senado. Kasi nga puro hearsay ang kaso ni Gadon.

So plan B, umepal si Alvarez.

Pantaleon Alvarez | Pinoy Ako Blog

Kahit pa balikuin ang batas masunod lang ang gusto. On cue si Atty Oliver Lozano na Marcos loyalist, file agad ng petition.

News5 FB Post Marcos Loyalist Atty. Oliver Lozano | Pinoy Ako Blog

Sa saligang batas the only way mapatanggal ang isang Chief Justice ay through impeachment. Malinaw yan.

Nang hindi umubra, tinira ang Psych evaluation ni CJ.

Dr. Geraldine Tria | Pinoy Ako Blog

Sabi ni Dr. Geraldine Tria, etong limang case na ito kaya hindi daw puwede maging Chief Justice si CJ Sereno.

Dr. Geraldine Tria CJ Sereno Symptoms | Pinoy Ako Blog

1. Grandiosity.

Ang grandiosity daw ay refers to an unrealistic sense of superiority. Yung feeling superior sa lahat. Teka lang ano ba tawag mo dito?

Rappler Article: Duterte to US Ambassador Goldberg | Pinoy Ako Bloghttps://www.rappler.com/nation/142109-duterte-us-ambassador-goldberg-buwisit

So hindi ba feeling superior to na malala? Oh my hindi din puwede naging leader si PDuts?

2. Preoccupied fantasies of unlimited power or brilliance. Eh ano ang tawag mo dito?

Pantaleon Alvarez Quote | Pinoy Ako Blog

So hindi din sya capable mag lead sa lower house? Ganun?

3. Sense of Entitlement

Yung akala mo kung sino kahit mali gustong ilusot? Anong tawag mo dito?

Rep. Fariña | Pinoy Ako Blog

Yung gustong lumusot sa simpleng batas trapiko? Luh, may diperensya din sya?

4. Interpersonally exploitative so as to take advantage of others.

Sa picture na ito ni Atty. Gadon sino kaya ang nagtitake advantage?

Atty. Gadon with Marcos Family | Pinoy Ako Blog

5. Lack of Emphaty ba kamo?

Dan Santos Twitter Post #TRAINWreck | Pinoy Ako Blog

Kung susundin natin ang batayan ni Doc sa kanyang findings, aba dapat “Mayor” ang mauna.

Nagsalita na ang Psychological Association of the Philippines. Resibo.Psychological Association of the Philippines CJ Sereno | Pinoy Ako Blog

Ang punto ko lang porke basura ang impeachment case nila ang ginagawa nila ay sobrang paninira na kahit nakadapa na ang tao inaapakan pa din nila.

Kinasuhan na di ba? Bakit marami pang achuchuchu? Kasi nga mga duwag, babae lang ang kinakaya.

Eh palaban si CJ Sereno?

#CJSerenoIpaglaban | Pinoy Ako Blog

Nganga silang lahat.

I Stand With CJ Sereno,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *