Imee Marcos, Tinuluyan ng Kongreso

Dear Governor Imee Marcos,

Hala ka, di pa nga tapos ang issue mo sa COA, may bago na naman.

Iba naman ito ateng! Yung ginamit mo yung tobacco tax share na pambili ng sasakyan.

Kasi naman para sa livelihood at cooperative ang pondo, binili mo ng sasakyan. Tapos teh, bonggang bongga mo pang iniover priced. Yung sasakyan dapat binenta 270,000.00 lang per unit, sa bff mo tapos binenta sa LGU ng 465,000.00? Luh, overprice ng 195,000.00 per unit. Total of 21, 450,000.00 overpriced!

Huy, dahan-dahan naman sa pera ng bayan. Ninakawan na nga kami ng Tatay mo dati, tapos ngayon puro overpriced ang projects mo? Iba pa to sa mga pekeng documents na pinasa mo sa COA. Aba, matinde!

Kapal ng mukha, wagas!

Yamot sa mga Corrupt,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *