Imee Marcos, Nakuyog ng mga Netizen

Dear Imee Marcos,

Saan po kayo humuhugot ng kapal ng mukha para sabihin ang move on?

Akala niyo nakalimutan na ng tao ang ginawang kahayupan ng pamilya mo? Luh, wag kang ilusyanada. Sandokin kita diyan eh.

Eto ang ilan sa mga reaction ng netizen sa yo.

Tonta ka daw. Balik mo ang pera ng bayan.

Ayan naulol ka tuloy. Matutunan mo munang ibalik ang bilyones na ninakaw ng pamilya mo huy.

Evil incarnate ka daw. Kasi nga naman ang dami niyong nilibing na buhay sa gumuhong Film Center tapos move on?

Check mo ang reaction ng mga tao ha. At bago ka kumuda ng move on, titigan mo ang larawang ito ha.

Naalala mo siya? Si Trajano. Just because nagtanong ng legitimacy ng pagiging Director mo ng Kabataang Barangay, anong ginawa niyo, pinabugbog niyo hanggang namatay.

Papano mo sasabihin yan sa magulang niya?

Hindi nakakalimot ang mga Pinoy Imee. Kung may dapat ka mang sabihang mag move on, eto ay ang kapatid mo na “baskil”. Siya ang magmove on sa pagkatalo niya. At samahan mo na din bumili ng tawas, tse!

Yamot sa Makapal Ang Mukha,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *