Imee Marcos, Aprub sa Kanya ang Paghuli ng Mga Tambay

Dear Imee Marcos,

Minana mo talaga sa kay Ferdinand Marcos ang kawalan ng respeto sa karapatang pantao no? Talagang makasipsip lang, kahit hindi tama sinasang ayunan. Eto ang part ng ambush interview sa yo.

Luh, hindi dadamputin? Ano tawag mo dito?

Mga porter yan sa pier na naka uniform ha, dinampot. Anong pinagsasabi mo?

Si Genesis bumili lang ng load kinulong, after 4 days namatay? Kasalanan ba ang pagbili ng load ha?

Palibhasa sanay kang dinadampot lang ang tao noong panahon ng tatay mo kahit walang kasalanan. Siguro naman naalala mo si Archimedes Trajano?

Archimedes Trajano, abducted, tortured and killed during the dictatorship! Kasi tinanong ka lang what right you have to represent the youth as head of Kabataang Barangay. Ayun dinampot tapos pinatay.

No wonder sumasang ayon ka, kasi nga nakamulatan mo noon. At inamin mo na alam mo ito sa isang trial sa Hawaii.

Palagay ko someday pagdating ng araw ng  paghukom, sa dako pa roon na hindi na gagana ang perang ninakaw ng pamilya mo, si Archimedes Trajano ay nasa kanan ng Ama at ikaw kasama ng Tatay ay nasa isang lugar na napakainit.

Yamot sa MaBABA ang Tingin sa Mahihirap,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *