Imee At Bongbong Beneficiary sa Nakaw na Yaman

Dear KaPAB,

Ngayon na napatunayan na sa korte na magnanakaw si Imelda Marcos, lumabas na sa mga documents na nagpapatunay na mga beneficiaries pala ang mga anak ni Marcos sa foundation na pinaglagakan ng mga ninakaw na pera ng mga Marcos.

 

 

Kaya pala mismo inamin ni Marcos kay Raissa Robles dati na tinangkang niyang iwithdraw ang pera sa Swiss Bank account.

 

 

Ilang beses tayong pinagloloko ng magkapatid na Imee at Bongbong na wala silang kinalaman. Pero nalaman natin ngayon na sila pala ay ang direct beneficiaries sa $213M na nasa Swiss bank.

Ginatasan ni Ferdinand Marcos at Imelda Marcos ang bayan, kambal na pangungurakot. Ngayon nasasangkot na naman ang mga anak sa mga questionable na transactions. Si Imee sa Tobacco funds at si Bongbong ay napasama sa Napoles list.

Kung talagang sincere sa pagsisilbi ang mga Marcoses, dapat ibalik nila ng kusa perang ninakaw ng mga magulang nila.

 

Yamot sa Kurakot,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *