Iba’t- Ibang Kwento Ng Kampanya Ng Otso Diretso

Dear KaPAB,

Siguro akala ng iba ordinaryong election lang ang mangyayari sa Mayo. Para sa akin, hindi. Kasi ang election na ito ang magdedefine sa kinabukasan ng bansa natin. Dito makikita kung anong klaseng values meron ang mga Pilipino.

Nakita ko ang kampanya ng Team Pilipinas. Kung gaano kakapos ang Otso Diretso sa funds. I have seen, Samira Gutoc cried nang makita niya na yung mga ordinaryong tao, gumagawa ng poster made of karton.

 

Nakita ko kung paano tinitiis ni Erin Tañada bitbitin ang sarili niyang campaign collaterals kasi kung magsasama pa nga naman ng isang tao, mas magastos pa.

 

 

Nakita ko kung paano ang mga ordinaryong tao nagvovolunteer para makatulong kay Atty. Chel Diokno. Walang pondo kasi sila pangsweldo sa mga staff.

 

 

Yung bawat pagpunta sa lugar ni Gary Alejano, na pumupunta na lang na diretso sa tao, kasi minsan walang naghohost na local kasi takot sa administrasyon. Wala ng stage at sound system kasi kapos sa pondo.

 

 

Yung bawat lakad ni Senator Bam, dinadala niya na lang sa kampanya ang Otso Diretso, kasi nga yung iba niyang kasamahan ay kapos sa pondo.

 

 

Yung pagod ni Atty. Romy Macalintal kasi instead magbayad sa isang hotel para makapagpahinga ng saglit ay sa sasakyan na lang ginagawa para makatipid.

 

 

Bagamat si Mar Roxas ang may sapat na pondo, pero hindi niya kinakalimutan ang kasamahan niya na ikampanya sa balwarte niya.

 

 

Pero yung aantig talaga sa puso niyo ay yung kwento ni Pilo Hilbay, na Hilbayanihan, na dahil hindi kasya ang pera sa pagprint ng collaterals, photo copy na lang ang binibigay sa mga tao. Yung bawat pagpunta nila sa isang lugar ay kailangan pang magsource out ng pamasahe kasi nga kulang na kulang sa pondo.

 

 

Ang daming kuwento sa kampanya ng Otso Diretso na aantig sa puso niyo. Maaaring kulang sila sa pondo, pero sa suporta niyo maaari silang manalo.

Nilalaban ng mga taong ito ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin, ang karapatang pantao ng bawat isa sa atin. Hindi nila kayo  pagnanakawan at pagsisinungalingan.

 

 

Bawat piso na ibibigay niyo sa kanila mahalaga. Tulong-tulong tayo, imessage niyo ang kandidato ng otso diretso  na gusto niyong tulungan, limang piso man yan o limang libo, malaking tulong na yan sa araw-araw na campaign.

Kung gusto niyo naman tulungan ang buong slate, message niyo ang Team Pilipinas.

 

 

Puwede niyong itext ang number na yan, and ask them kung paano kayo makadonate ng tulong.

Huwag mag alangan, itodo niyo na ang suporta. Kailangan ng bayan ang tulong mo.

Tayong mga ordinaryong Pilipino ang magdadala sa walo sa Senado.

Isang Supporter,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *