Huy, Bongbong Marcos May Sulat Ka!

Dear Bongbong Marcos,

Sinagot ng isang election lawyer etong mga kuda mo kahapon.

Grabe ang drama ha. Eto sinulatan ka.

Dear Bongbong Marcos,

“Wow mali” na naman tayo.

1.) Una, wetting the ballots para mandaya sa recount is so 1992. Hindi katulad noong manual elections, sa automated election system, may scanned copies ang bawat balota na pwede balikan in case na masira, mabasa or mawala ang original paper ballots. Baka nakalimutan ni Mr Marcos na nag request nga siya to print them.

2.) Hindi lang raw “100% weather proof” but “waterproof” ang ballot boxes kaya hindi raw pwede mabasa. Mukhang hindi pa siya nakakakita ng ballot box at kung saan nakatago ang mga ito. By design, may mga butas talaga ang ballot boxes kung saan dumadaan ang balota mula sa Vote Counting Machine (VCM) going to the box. Yes, kadalasan doon nakakapasok ang tubig pag directly naulanan ang mga ito. At minsan ang mga ballot boxes ay nakatago lamang sa mga gym o sa open basketball court, exposed sa elements. Bakit ganito kaluwag? Kasi nga may ballot images naman na pwede balikan anytime.

3.) The Robredo camp raw “did everything in their power to delay the recount.” Wow lang. The Vice President did not file any motion to delay the recount. In fact, she filed a motion withdrawing all motions na may dilatory effect sa proceedings and committed on record not to file any. Baka nakalimutan niyang siya ang hindi tumupad sa sarili niyang challenge at hindi nag-file ng motion to withdraw his dilatory motions.

4.) Last. Pa-bonus kay Boy Kuryente. “Missing” raw sa loob ng ballot boxes ang audit logs or talaan ng activities ng VCM noong election day. Binuksan raw ‘yung ballot boxes at kinuha ‘yung audit logs. Sir, hindi naman talaga nilalagay ang audit logs sa loob ng ballot box. Sa procedure ng Comelec (pakibasa Resolution No. 10057, Article VII, Section 29 [f] 5), ang audit logs ay tinu-turnover ng Board of Election Inspectors (BEI) sa Election Officer (EO) ng bayan o siyudad after ng election. Pagkatapos, pinapadala ng EO ang naipong audit logs sa Comelec Main Office sa Maynila. Dahil doon, walang audit logs sa loob ng mga ballot boxes. Samakatuwid, huwag maghanap ng wala.

PS: Sa dami ng fakenews, mali-mali at kuryente mo sa nakaraang mga buwan, please find better election consultants. Yung nakakaintindi naman kahit slight.

Truly (not) yours,

Emil

Aminin mo, napahiya ka dito. Kakadiri ka, imbento pa more! Ang hihilig niyo sa fake news.

Tanggapin na kasi na talo ka! Ginagawa niyong tanga ang taong bayan.

Hindi lang educational attainment ang pinepeke pati na din mga alegasyon sa election protest.

Yamot sa Fake News,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *