Huwag Tayong Maglokohan

Dear DDS Propagandists,

Huwag na tayong maglokohan. Alam naman natin na ang dahilan kaya nasingle out ang Rappler dahil nilalahad nila ang totoo kahit anumang pagkakamali ng Poon niyo. Simula palang ng SONA nangangalaiti na si Duterte sa Rappler. Resibo.

Alam naman natin na hindi ang Philippine Depositary Receipts or “PDRs ang problema kasi nga common practice naman ito sa mga business. GMA at ABS-CBN ay meron din nito, pero bakit bukod tangi ang Rappler ang pina imbestigahan ng poon niyo sa kamukha niyang si Calida. Resibo.

Nag imbestiga kayo, tapos hindi niyo man lang binigyan ng due process ang Rappler. Ni hindi nga nakareply eh nagbaba agad ng decision.

Kung kayang baluktutin ang batas para sa Rappler, maaari niyo ring gawin ito sa iba. Unti unti niyong pinapatay ang fourth estate para kayong mga propagandistang maghari.

Hindi ito sa Rappler lang ginagawa, lingid sa kaalaman ng nakakarami ang radio station ng simbahang katoliko ay iniipit rin ng administrasyong Duterte . Resibo.

Hindi ito tungkol sa Rappler lang, tungkol ito sa pananakot sa mga member ng media na nagrereport ng kakulangan ng administrasyong ito.

Wag niyo kaming lokohin na naglabag ng batas ang Rappler, eh 2 years ago, ini approve din sila ng SEC. So ibig sabihin, may pagkukulang din ang SEC?

Wag tayong maglokohan dito. Alam ng buong mundo na ito ay isang harassment sa kalayaan ng pamamahayag. Resibo.

The world is watching. Sikat na naman boss niyo, for all the wrong reason. Kadiri kayo.

Galit sa Mapanlupig,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *