Huwag mong Gamitin ang mga Lumad

Dear President Duterte,

Hindi mo ba napapansin, unti unti nang nagigising ang mga kabataan. Nakikita na nila ang kamalian ng inyong pamamahala. Kahapon nagkaroon ng malawakang walk out sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Pero instead na dinggin niyo ang hinaing nila, tinakot mo pa. Luh grabe siya oh.

Ginamit mo pa ang mga lumad. Sabi niyo sila ang ipapalit niyo sa mga Iskolar ng Bayan na nag walk out. Paalala lang po ha, di ba po binagbantaan niyo dati na papasabugin niyo ang eskwelahan ng mga lumad?

Sa sobrang takot ng mga lumad ay pumunta dito sila sa Manila at tumira sa barong barong.

Tiniis nila na mawalay sa pamilya, para mabuhay sila. Kung talagang concern kayo sa mga lumad, sana tinulungan niyo sila nung nandito sila sa Manila.

Pero wala kayong ginawa. Tapos ngayon gagamitin niyo sila na kunwari concern kayo? Kwento niyo po sa pagong.

Oras na para pakinggan niyo ang hinaing ng taong bayan at oras na para baguhin niyo ang madugong sistema.

Hindi niyo madadala sa takutan ang mga kabataan, unlike sa mga trolls sa internet may paninindigan mga yan.

Yamot sa Manggagamit,

PAB

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *