Huwag Gawing Hobby Ang Pag-Declare Ng Martial Law

Dear President Duterte,

Anong petsa na? Martial Law pa din sa Mindanao? Tama si Atty. Florin Hilbay, huwag mong gawing normal ang sitwasyon na iyan.

 

 

Di ba sabi sa Constitution dapat may invasion or rebellion as prerequisite for imposing martial law?

May invasion pa ba? One year na ang Martial Law sa Mindanao, kumusta naman ang rehabilitation ng Marawi?

 

 

Delayed na delayed pa din. So bakit niyo pa eextend eh wala na namang rebellion or invasion, aber?

Maawa kayo sa mga tao na nadisplace. Ayusin niyo ang trabaho niyo na hindi kailangan magdeclare ng Martial Law.

Or baka naman iba ang reason. Di ba pag under Martial Law hindi dumadaan ang mga projects sa proper bidding? Huwag garapalan po. Or baka naman kasi malapit na ang election kaya gusto niyo ang kontrol sa Mindanao?

Huwag kami, bistado namin ang galawang yan.

 

Yamot sa Sakim sa Kapangyarihan,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *