Huwag Gamitin Ang Production Staff Para Magpaawa

Dear Robin Padilla,

Huwag niyo po kaming utuin. Huwag kayong manggamit ng ibang tao para mamalimos ng awa.

 

 

Una, alam mo na ang pelikula ay tungkol sa isang kandidato. Tapos sasabihin mo, wag ipulitika? Nagpapatawa ka ba?

Pangalawa, huwag mong isangkalan ang production staff. Bayad na sila ng producer habang nagshoshoot. Kahit pa flop at langawin ang sinungaling na pelikula mo, bayad na sila, Kaya huwag mo silang gamitin.

Ang apektado lang dito ay director at mga artistang gaya mo, kasi may record na nilangaw na pelikula. Ang producer, kasi hindi niya mababawi ang ginastos niya sa basurang pelikula.

Bakit kasi magpoproduce ng isang pelikula tungkol sa isang taong “Tokhang” enabler? Kung langawin man, deserve yun, kasi nagpagamit sa pulitika.

Kaya please lang, tigilan ang drama Binoe. Tama lang iboycott ang pelikula niyo! Tse!

 

Yamot Sa Manggagamit,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *