Hustisya Sa Rehimeng Duterte

Dear KaPAB,

Hindi na natupad ang hiling ng nakadetineng aktibista na si Reina Mae Nasino na makasama ang kaniyang sanggol na agad nawalay sa kaniya isang buwan pa lamang simula nang isilang niya ito.

Pumanaw na si baby River alas-9 ng gabi ngayong Biyernes sa gitna ng apela sa korte na magkasama ang mag-ina.

Una nang tinanggihan ng korte sa Maynila ang mosyon ni Nasino na payagan siyang makasama ang 3-buwang gulang na sanang sanggol kahit sa loob man lamang ng isang taon. Nais din sana nitong mai-breastfeed ang anak lalo’t mahina ang pangangatawan nito.”

Bakit sa panahon ni Duterte ang hirap makamit ang hustisya. Pag mayaman, walang kahirap-hirap humingi ng furlough.

Jinggoy Estrada

Plunder ang kaso, pagnanakaw sa kaban ng bayan, pero nakakuha ng pansamantalang kalayaan na walang kahirap-hirap.

ZALDY AMPATUAN

Ang kaso murder, hindi lang isa ang napatay, more than 50 ayun sa details ng kaso.  Binigyan ng pansamantalang kalayaan para umattend ng kasal.

IMELDA MARCOS

Hinatulan ng guilty ng Sandiganbayan, hinuli ba? Walang nangyari.

Reina Mae Nasino

Ang tanging hiling ay sana makapiling  ang anak para mabreastfeed niya sana para lumakas ang resistensiya sa paglaban sa sakit, pero hindi mapagbigyan.  Noong nagkasakit at naging grabe ang anak, muling humiling na makita at makapiling sana kahit sa huling sandali ang anak, pero hindi pinagbigyan.

Sa rehimeng Duterte ang hustisya ba ay para lang sa mayaman?

Haist.

Nanlulumo,

PAB