Humirit pa Kahit Mali na Nga

Dear Mocha Uson,

Wala talaga sa bokabularyo mo ang accountability no? Pinuna ka nga ng kasamahan mo sa pambaboy na ginawa mo sa EDSA People Power, nagpalusot ka pa.

How can you say na produkto ng fake news ang isang pangyayari na maraming nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay?

Humirit ka pa ng palusot.

Nababasa mo ba ang pinagsasabi mo? Sabi mo nagtanong ka lang kung ang EDSA ba ay produkto ng fake news. Why would you even ask that na alam naman nating hindi? Ang mga larawang ito mukha bang photoshopped?

At saka bakit mo itatanong yan na meron nang law na ginawa di ba to celebrate yung nangyari sa EDSA revolution? Kaya nga holiday yan every year eh. And even your Poon made an statement. Resibo.

Sabihin mo divisive ka. Sa kakasipsip mo sa mga Marcoses, gusto mong baguhin ang kasaysayan.

Sayang ang sweldo sa yo.

Yamot sa Sinungaling Palusot,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *