Humirit Na Naman Si Piñol

Dear Secretary Manny Piñol,

Yung totoo, alam mo ba ang trabaho mo? Nang pinuna ang panukala mo na mag import ng galunggong, eto ang sagot mo?

Ano ba naman klaseng sagot yan? Napapaligiran tayo ng dagat, kaya nagtatanong kung bakit tayo mag iimport ng isda.

Tapos ngayon, nahaharap ang bansa sa rice shortage. Kulang na nga ang supply, pinipilit niyo pang ipakain sa mga tao ang may bukbok na rice. Ngayon eto ang solution mo?

Paki explain nga kung bakit kailangan malaman Ang nationality nila? Pag imported ba ang bukbok, mas mahal? Mas masustansiya ba pag galing Thailand? Nakakaloka ka.

Imbes na pagtuunan mo ng pansin kung paano maalis ang bukbok talagang ang nationality ang inuna mo?

Nagpapatawa ka po ba? Kasi hindi po nakakatawa.

Isulit niyo naman ang sweldo nyo. Mahiya kayo sa taxpayers.

Yamot Sa Incompetent,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *