Humayo Ka Nang Mapayapa, Harry

Dear Harry Roque,

Balita ko hindi na tuloy ang pagtakbo mo bilang Senador? Sabi mo, there is something wrong with your heart? Ngayon mo lang napansin?

Mula nang dinikit mo ang pangalan mo sa administrasyon ni Duterte, hindi na ikaw ang dating Roque na may puso para sa mahihirap.

Gusto mo iremind ko sa iyo kung paano nabago ang mga pananaw mo?

MARTIAL LAW

 

 

 

 

Pinuri mo si PNoy dati kasi hindi nagdeclare ng Martial Law. Pero pagdating kay Duterte, puring puri mo.

EXTRAJUDICIAL KILLINGS

Tinawag mong bloody ang drug war ni Duterte noong 2016. Tapos pagdating ng 2017, tinawag mo namang successful.

FREEDOM OF THE PRESS

 

Sabi mo noong 2016, you promote free expression. Tapos sabay nilait mo ang media nang makaupo ka bilang spokesperson nilait  mo na ang media.

CHINA INVASION

Noon sabi mo, unlawful ang ginawa ng China. Pero pagdating ng 2018, sabi mo baka pasalamatan pa natin ang China sa pagkuha ng ating isla.

With these example, clearly, there is something wrong with your heart now.

Tanong ko lang po, ano ang feeling na ginawa mo na ang lahat, kulang na lang kumain ka ng apoy at tumulay sa alambre, pero sa huli hindi pa din sapat ang binigay na suporta sa ‘yo?

Siya, nakikiramay ako sa kamatayan ng iyong pangarap maging Senador.

 

Babush,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *