Hulaan Natin Kung Kanino Ang Eroplanong Ito

Dear KaPAB,

Pinadala sa akin ito ito ng isang nagtatrabaho sa paliparan. Hulaan ko daw kung kanino ang private plane na ito, ang binigay na clue involved daw sa “pork scam” at kakandidato uli ngayong election.

 

Tulungan niyo akong hulaan kung sinong kandidato ang nagmamay-ari nitong private plane na to.

Kung katas ng pork, maaaring galing sa lower house or sa Senate. Ang dami nilang nadawit kay Napoles eh.

Sino ba ang mga reelectionist na may eroplano na nainvolve sa pork?

Sino sa mga kandidato na may mga kamag-anak na nagpapasikat habang nakasakay sa private plane?

Wala namang problema kung may eroplano ang isang kandidato, basta ba nakalagay sa ITR niya eh. At ang perang pinambili ay hindi galing sa illegal na bagay gaya ng huweteng at droga or mga bogus na NGO di ba?

Sino kaya ang may ari? Galing kaya sa House of Representatives or sa Senate?

Mahirap hulaan, mukhang papayat at magiging sexy ako sa kaiisip kung sino si owner ng private jet.

Pag nahulaan niyo, bulong niyo naman sa akin.

 

Mag-iimbestiga Muna,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *