Hugas Kamay Si Cesar Montano

Dear Cesar Montano,

Bakit hindi ka pa magresign? Ang dami mo nang kapalpakan na ginawa no? Akala mo makakaligtas ka, after saying this?

Just so you know alam namin na damay ka dito. Before makarating yan sa head kayo ang gumagawa ng supporting documents at kayo ang nag aasikaso sa bidding. Kaya wag kang magmalinis.

Baka gusto mong ipaglala ko sa yo ang sulat na to?

Last January, 2017. P11,000,000.00 na kontrata Carat Philippines? Tapos ikaw ang guest? Yung totoo? Pinagloloko mo ba kami?

At saka kasama mo talaga ang buong barangay sa pag hire ng mga tao? Anong gamit ng stuntman sa tourism aber? Luh, grabe siya.

Pati anak ng bestfriend? Sana sinama mo na din pati alagang aso ng kapatid bahay mo. Nahiya ka pa eh.

Pati job order kailangan ireimburse ang gasolina? At may request pang sasakyan. Kung makatravel kayo wagas? Pera niyo yan ha? Nagtravel kayo kasama ng tsuwariwap mo to Boracay gastos ng pamahalaan tapos walang itinerary? Kakapalan sobra.

Sa laki ng mga nagagstos sa yo, ang hina pa daw retention mo pati absorption mo ng ideas. In other words, lugi ang taong bayan sa sweldo mo.

Ginawa mong talent agency ang opisina mo at pero concert ang proposal. Tapos yung Chief of Staff mo daw pumunta ng Boracay, tapos nagpalibre sa may ari kasi nagpakilala na travel of TPB? Wow ha.

Yung speech, gagawin mong kanta? Pati logo papalitan? Hindi ka na nga makaperform daw ng tama, magastos ka pa.

To sum up the letter, wala ka nangang kwenta sa trabaho mo, sobrang waldas mo pa sa pera ng gobyerno.

Mr. Montano, ikwento mo yan sa pagong ang palusot mo. Baka sakaling may maniwala. Tse!

Yamot sa Gahaman sa Pera,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *