Hong Talino ng LTFRB

Dear LTFRB,

Napaghahalata talaga po kayo kung kanina kayo pumapanig. Alam niyo po ba na sobrang taas ang pamasahe ngayon sa Grab at ang hirap pa din kumuha ng taxi dahil namimili sila ng pasahero?  Hindi ba kayo marunong maawa sa commuters?

Sabi niyo ang isa sa mga dahilan ng traffic ay ang mga Grab at Uber pero eto ang naisip niyong solution.

Ayaw niyo sa Uber tapos taxi dadagdagan niyo? Luh,  grabe sya oh. Dadagdagan niyo lang ang mga abusadong taxi drivers sa kalsada.  Hindi niyo naman inaaksyunan ang mga reklamo sa mga abusadong taxi driver.

Eto pa ang isang nakakabobong solution na plano niyo.

Sige nga, paano mababawasan ang pagiging abusado once dagdagan niyo ang pamasahe sa taxi?  Eh pag uugali yan.  Bakit hindi niyo hilingin sa mga operator nila na bawasan ang boundary aber? Anti commuter talaga kayo no?

Mga walang awa! Kaming nagpapasweldo sa inyo kami ang pinapahirapan niyo!

The best and the brightest daw, tse!

Yamot sa Pabibo na Wala sa Lugar,

PAB

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *