Honeylet, saan kang Kweba Nanggaling?

Dear Honeylet,

Narinig kitang magsalita kahapon sa “Life After Tokhang” na program ng PNP.  Question, paano pa magkakalife eh natokhang na ang 14,000?

Hindi ko ididiscuss dito kung anong klaseng relationship ang meron kayo ng Presidente. Bilang babae, naiintindihan ko na nagmahal ka at titiisin mo na lang na hindi pinapakasalan.

Mas gusto kong pag usapan ang speech mo po. Sinabi niyo po ito.

Ms. Honeylet, yan po ang demokrasya. Karapatan ng taong bayan magsalita kung ano ang nakikita nilang mali. Maaring sa pananaw mo perpekto ang boyfriend mo, well sabi nila love is blind daw. Di naman namin dyowa si Duts eh, kaya hindi po kami bulag.

Second sinabi niyo pa rin ito. Resibo.

Ok lang po kayo?  Saang kweba po kayo nanggaling?  Walang internet sa bahay?  Or kahit tsismosang kapitbahay na lang? Eto po ha, libreng resibo po baka sakaling matauhan ka.

Exhibit 1

Exhibit 2

Exhibit 3

Ginamit ko po ang google. Try niyo po, at makakakita ka ng sangkaterbang result na ang boyfriend mo encouraged killings and impunity.

And may listahan din po ako kung ilang beses sinabi ng dyowa niyo ang “kill, kill, kill”. Resibo.

May date pa yan ha, kayo na lang po ang mag google.

Ms. Honeylet ang sabi sa kasabihan love is blind, hindi love is tanga.

Dapat nga kung mahal niyo kayo ang magsasabi ng mali, sa ginagawa niyo parang kayo pa ang nagkukunsinti sa mali. Matanda na dyowa mo, dapat magbago na siya bago man lang kunin sya ni kamatayan. Yan ang tunay na pagmamahal. Tinatama ang mali.

Yamot sa Sinungaling,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *