Honeylet, Kumusta ang Shopping?

Dear Honeylet,

Mabuti naman po at nakahanap pa po kayo ng time para magshopping diyan sa Hongkong. Nakita po kayo ng isang friend ko diyan sa Timesquare in Causeway bay. Naka black po kayo with mamahaling pearl necklace as accessory.

Pumunta daw kayo sa Jimmy Choo shop. At mga 20 minutes daw kayo sa Salvatore Ferragamo. Mukhang madami po kayong nabili.

Kumusta naman po ang experience sa pagsakay sa private plane na ang pera ng taong bayan ang gumastos? At least nakatipid kayo sa pamasahe sa pagshopping nyo. Shopping money na lang ang nagamit niyo.

By the way,  since nagshopping na lang naman kayo, pakitingin na lang po kung sale ang DELIKADESA sa Hongkong. Kung sale,  maghoard po kayo at ibenta natin dito sa Pilipinas kasi mukhang may shortage niyan dito now.

Enjoy your family tour! Pinaghirapan nang mga Pilipino ang binayad sa private plane na yan,  might as well enjoy it.

Facepalm,

PAB

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *