History Lesson for DFA Secretary Cayetano

Dear Secretary Alan Peter Cayetano,

Sino ba ang pinagsisilbihan mo? Ang Pilipinas o ang China. Sinabi mo to. Resibo.

Luh sya mema lang. Eto ha libreng history lesson.

Nadiscover at napangalanan ang  Benham Rise noong 1935-1945 during the Philippine Commonwealth Period when PH was under US sovereignty. Back then it was still part of the high seas beyond any national jurisdiction. Benham Rise is thought to be named after USN Adm. Andrew Ellicot Kennedy Benham (1832-1905). Resibo.

Nagclaim tayo ng jurisdiction noong 1978, yan yung PD 1599. Resibo. Nagkaroon tayo ng jurisdiction sa continental shelf within 200mn sa Benham Rise noong nagkaroon na ng UNCLOS. Nagclaim ang Pilipinas noong 2009 at navalidate noong 2012. Resibo.

Yung China na denedepensahan  mo, noong 2014 lang nag claim niyan. Ang reason ng China kesyo extension ng island nila, or part daw ng “China second chain of island” eh wala namang island in between. Gaya mo, mema din ang China. Resibo.

So atin ang Benham Rise at dapat ipaglaban mo to bilang DFA secretary. Ayan oh ang coordinates, atin yan. Resibo.

Duwag ka na nga mahina pa sa history at geography. Tse!

Libreng lesson na yan. Huwag ka nang magbayad. Hmp!

Hindi Palaabsent sa HeKaSi,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *