Hindi Sapat Ang Sideline na Milyones kay Calida

Dear “SolGov” Calida,

Kyah, hindi pa sapat ang P261,000,000.00  na kontratang nakuha mo sa gobyerno?

Talagang tinodo mo, pati pamato at nag over2x ka sa allowance mo.

Luh, sumobra ng 7 million ang allowance mo. Isoli mo daw yan sabi ng COA. Mahiya ka huy. Bakit ganun na lang po ang pagkaswaps niyo sa pera? Marami ba kayong binubuhay? Milyones na project, milyones na allowance, bongga ang mga lalabs niyo po. For sure dami din ang allowance nila.

Alam natin you violated a law sa mga kontratang pinasukan niyo.

Pero ang tindi ng kapal ng mukha niyo no? Ayaw niyo pa din magresign.

Ga-adobe po ang inyong fez. Hindi yan about sa attacks, tungkol yan sa delikadesa, kung meron ka man noon.

Kadiri to. Walang kahihiyan, Kyah? Tubuan naman po kayo ng kahit konti lang. Mag padiamond peel po kayo para numipis po kahit konti lang ang mukha niyo, para magkakonsensya kayo.

Ang iba one day, one eat na lang, dahil sa taas ng bilihin, tapos kayo milyones ang winawaldas. Tse!

Yamot sa Makapal Ang Mukha,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *