Hindi po Kayo Makakaligtas, President Duterte

Dear President Duterte,

Akala niyo po makakaligtas kayo sa kaso ng ICC kung sasabihan niyo ang mga sangay ng gobyerno na huwag makipag cooperate? Nyek, nagkakamali po kayo.

Una, mawawalan kayo ng chance to explain kung totoo yung “Nanlaban” drama niyo everytime may napapatay ang pulis. Sabagay paano niyo nga naman ipapaliwanag yung nakaposas na nanlaban. Hirap no? Gaba tawag diyan, Ser.

Kung hindi kayo makipag cooperate, may tinatago kayo, yun ang magiging tingin ng ICC

At saka Mr. President, hindi na madadala ito sa fake news or propaganda. Buong mundo nakakabasa at nakakapanood kung ilang beses niyong naorder ang pagpatay. Kahit nga ako may resibo eh.

 

Yung mga hirit niyo kay Callamard na debate at yung sabi ni Harry Roque, na papalanguyin niyo siya sa ilog Pasig?

Hindi na po uubra yan. Iba na po sa ICC no? Walang fanatics at DDS doon.

At kung feeling niyo hindi matutuloy ang kaso kasi hindi makikipag cooperate ang PNP, PDEA or AFP, nagkakamali po kayo. Daming resibo kaya. From your speeches no. Mga video and news clippings. Sandamakmak na ebidensya.

Talagang mahahatulan po kayo. Sabi nga ni Sir Bernard Ong,

 

“If Duterte survives long enough and stays in power, this will hamper his ability to travel abroad. More importantly, it will make the Philippines a pariah state – like Somalia or North Korea – causing investments, aid and tourism to dry up. If he is in power via an ally or surrogate like Marcos or Sara, same effect if they don’t give him up.

Either way, this won’t end well for Duterte, or the Philippines.”

Para po kayong sumpa na dumating sa bansa.

Palubog ang ekonomiya. Mababaon na tayo sa utang sa China. Unti unti nang pinamimigay ang teritoryo. Ang taas ng presyo ng bilihin. Walang katapusang patayan.

Sa ayaw niyo at gusto haharapin at haharapin niyo ang kaso sa ICC. Wala po kayong ligtas.

Naniniwala sa Karma,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *