Dear KaPAB,
Ito ang hagupit na niranas ng isang pamilya minuto lamang matapos di umano patayin ng mga pulis ang kanilang ama at kinaladkad at trinatong parang hayop.
Ihanda ang dibdib sa mapapanood na video.
Tatlong taon na nang magsimula ang madugong giyera kontra droga. Sa pagsisimula nito ay nagsimula rin ang mala-impyernong karanasan ng mga mahihirap sa kamay ng mga abusadong kapulisan. Sino ba naman sila laban sa isang grupong katuwang ng Presidente para singilin ang pagbabagong ipinangako sa kanila. Matapos ang limang minuto ay tapos na ang bangungungot na pinapanood natin ngunit para sa pamilyang ito ay walang katapusang impyerno, takot, at dalamhati ang magsisimulang babalot sa buhay nila.
Hanggang kailan natin maririnig ang hinaing ng mga mahihirap?
Mark Anthony Ruvivar. Iyan ang pangalan niya. Ang taong di umano binaril habang naghuhugas ng plato.
Nanlulumo Para Sa Bansa,
PAB