Tumutulong Na Nga, Pinagtulungan Pang Batikusin Ng Mga Alipores Ni Duterte

Dear KaPAB,

Nabasa niyo ba yung tungkol sa mga teachers na nagcamping sa gilid ng daan para nakakuha lang ng signal?

Ang mga teachers ay mga frontliners din natin sa panahon ng epidemya. Mahalaga na maipagpatuloy ang edukasyon ng mga Pilipino.

Kaya ang ginawa ng OVP muli nangalap ng tulong para sa mga guro.

Para magawan ng material sa pagtuturo. Balita ko ang mga directors at mga Artista ay handang tumulong sa OVP.

Bukod pa ito sa Bayanihan para mabigyan ng gadgets ang mga estudyante.

Nitong nakaraang linggo Pinagtulungan ni Harry Roque at Bong Go si Busy Presidente Leni Robredo.

Ang kapal no? Parang bulag na hindi nakikita ang mga tulong ni VP Leni Robredo.

Hindi pa nakuntento ang mga hinayupak, sinundan agad ni Bong Go.

Might not work well? Eh sa panahong ito, kaliwa’t kanan ang ginagawang pagtulong ng OVP. Nakakahiya naman sa Balik Epidemya Program niya no?

Yung mga taong napabayaan na nastranded sa NAIA, sino ang tumulong? Di ba si Busy Presidente Leni Robredo?

More than 700 na ang napauwi. Umuwing siniguro na kumpleto ang medical requirements at sinigurong may makakain ang mga tao sa biyahe.

Yung mga nagtitinda at mga tricycle drivers sa Community Mart project ng OVP ay patuloy na natutulungan.

Kahit ang mga naghihikahos na mga jeepney driver ay iniisip din ni Busy Presidente Leni Robredo.

Ramdam ni VP Leni Robredo ang hirap nila, kaya agad-agad pinadalhan ng tulong.

Sabi nga ng mga netizens, kung sa kakarampot na pondo ang daming natulungan ng OVP, how much more kung bilyones ang pondo niya?

Pero sa kabila ng pagbabatikos ni Harry Roque at Bong Go, Isa lang sagot ni Busy Presidente Leni Robredo.

Tama naman siya. Nakikita naman ng mga tao kung paano ang ginagawang pagtulong ng OVP. Mula sa mga frontliners hanggang sa mga jeepney drivers, importante ang mga Pilipino kay Busy Presidente Leni Robredo.

Pinag-iisipan niya talaga ang solusyon sa bawat problema. Nakikinig sa hinaing ng taong bayan.

Sabi nga ng isang netizen, “Puwede ba tayong mag-ambagan pambili ng Salonpas for VP Leni’s back? Yung good until 2022. Mahaba-habang buhatan pa ‘to. “

Maraming Salamat sa isang Busy Presidente Leni Robredo.

Lalong Humahanga,

PAB

Facebook Comments