Hindi Mapakaling Politiko

Dear KaPAB,

Kanina nagkaroon ng pact ang Hugpong Pagbabago ni Sara Duterte at ang iba’t-ibang partido.

Ang nakatawag pansin sa akin ang mga Belmonte. Dati mga LP, tapos nang manalo si Duterte mas mabilis pa sa alas kuwatro lumipat sa PDP-Laban.

Tapos nang nagkagulo na ang PDP-Laban, lipat uli sa Hugpong Pagbabago.

Kasama niya sa partido si Imee Marcos. Ano kaya ang iniisip ng Mama niya na si Mrs. Betty Go-Belmonte? Kasi isa din ito sa mga prominenteng tao na nakipaglaban noong panahon ng Martial Law eh.

Ang masaklap kasi kakandidato daw si Crisologo, yun daw ang ilalaban sa kanya ng PDP-Laban.

Mahirap talagang pagtiwalaan ang mga taong walang sense of loyalty no?

E paano na lang kung pumasok sa laban si Willie Revilliame? May pera at may charisma din. Tapos mukhang close pa kay Kris Aquino. Paano kung suportahan sya ni Kris si Willie sa election ng 2019? Pag nag join force si Kris at Willie naku problema to ni Vice Mayor Joy Belmonte. Sa ngayon yung video nila Kris At Willie halos 8 million views na from IG, Twitter and Facebook. Balita ko close din si Willie kay Mayor Sara Duterte.

Basta persher magulo ang laban sa Quezon City ngayong 2019. Exciting ituuu!

Basta, dapat loyal sa tao hindi sa partido. Dapat hindi corrupt. Dapat hindi ipokrito. Yung tutulong talaga sa taong-bayan.

Patuloy Magmamatyag,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *