Hindi Magandang Halimbawa

Dear Robin Padilla,

Kumusta naman po ang pagiging arogante natin? Panoorin niyo uli kung gaano kayo kayabang sa PGT ha. Anong pinagsasabi mo na dapat mag tagalog yung Koreano kasi nasa Pilipinas sya?

You just put our kababayan sa ibang bansa in danger. Besides English is a national language. Marami sa mga kababayan natin ang sumasali sa ibang franchise ng show niyo pero hindi naman sila binabastos tulad ng ginawa mo sa Korean. Resibo.

Bakit pag babae ang hindi marunong mag english dati halos magpacute ka, tapos pag lalake bastos ka? Ipokrito mo lang di ba? Resibo.

Feeling makabayan ka, misplaced naman. Sinabi mo pa ito imbes magsorry ka. Resibo.

Mayabang ka talaga no? Ang point dito bastos ka. Pinagmamalaki mong makabayan ka, tapos ang asawa mo sa US nanganak? Luh, grabe sya oh.

And maybe you need also to read the constitution. Article XIV, Section 7 of the 1987 Constitution,

Kaya yung definition mo ng makabayan ay mali.

Ang tunay na makabayan, nagagalit pag pinapatay ang kababayan niya na walang hustisya.

Ang tunay na makabayan umaalma pag sinasakop ng iba ang teritoryo niya. Ni minsan nga hindi ka nagcomment about sa pagsakop ng China sa teritoryo natin eh. Doon mo ipakita ang tapang mo.

Paano kung bastusin ng mga Koreano ang mga kababayan nating OFW dahil sa ginawa mo? Mapupuntahan mo ba sila at maipagtatanggol lahat?

Sinisira mo ang imahe ng Pilipinas. Pareho kayo ng idolo mo na si Duterte, wala sa hulog ang definition ng makabayan.

Makabayan daw, tse!

Yamot sa Aroganteng Mayabang,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *