Hindi Lang Si Faeldon Ang Dapat Panagutin

Dear KaPAB,

Nakasentro tayo kay Faeldon pero may mga lumabas na may kinalaman din si Bato a.k.a. Pebbles.

 

 

Base sa record may mga pinalabas din siya na heinous crime convicted.

At sa hearing may sinabi si Guevarra na ito si Pebbles ay nagrequest pala dati na siya na ang magpalaya ng mga nakakulong at convicted sa heinous crimes.

 

 

Pinipilit baluktutin ni Pebbles ang batas na nakasaad sa Department Order 953, which says the release of prisoners sentenced to reclusion perpetua shall only be implemented upon the prior approval of the Justice Secretary.

Ang rason ng Lolo niyo ay ito.

“In the interview, Senator Bato said he made the request because lawyers of persons deprived of liberty were suing BuCor officials for failing to release the prisoners on time.”

Kaya nga kailangan Ang DOJ ang mag approve kasi mas alam nila ang pasikot-sikot ng batas.

Sobrang pabibo ih. Si Pebble ambisyoso din pala. Kahit hindi niya trabaho gustong pakialamanan. Magkano Kaya, este bakit kaya?

Kaya pala todo pagtanggol ito kay Sanchez at may pasecond chance pang nalalaman.

Tingnan mo ang line of reasoning niya. Una dapat nag seek ka ng approval ng DOJ kasi yun ang sinabi ng batas. Pangalawa, hindi niya binasa ang batas na hindi kasali ang charged with heinous crimes. Yung mga pinalabas niyo hindi lang charged, convicted pa.

Tapos isisisi sa iba ang kapalpakan na gawa nila.

Basura Ang Gobyerno Ng Bansa Ko,

PAB

 

 

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *