Hindi Ito Fake News, Totoo Pala

Dear KaPAB,

Nakakuha ako ng kopya ng accomplishment report ng PNP sa illegal drugs. Sabi ng iba, fake news daw yung sinabi ni Senator Trillanes yung 20k na ang namatay. Eto po ang resibo.

If you notice nilagay nila sa accomplishment report nila yung numbers ng mga namatay ng kanilang drug war.

3,967 daw ang mga namatay during drug operations. Almost 4,000 po. Lahat ba sila nanlaban?

Tapos under Fighting  Illegal Drugs, accomplishment report din ang 16, 355 ang homicide under investigation. Kasama ba dito sila?

Sabi ng mga DDS bloggers hindi daw 20,000, eh bakit nakalagay sa accomplishment report? Accomplishment na pala ngayon ang mga unsolved killings.

Even ang Supreme Court pinapa explain na ang mga pulis. Sa resolution ng en banc, pumalag na ang Supreme Court sa dami nga naman ng patay.

 

So ito galing na sa Supreme Court ha, hindi na ito fake news.

Paano natin nasisikmura ang ang 20,000 deaths. Pilipino ang namamatay araw-araw. At saka accomplishment report ang mga namatay?

Kailan pa tayo nawalan ng puso? Noong isang araw may pinatay na naman na 13 katao in one night.

Demonyo ang administrasyong ito. Walang puso sa Pilipino pero pagdating sa China, halos sumamba.

Pagbabago na naging panggagago.

Inis sa mga Gago,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *