Hinaing ng mga Taga Marawi

Dear Tatay Digong,

Napanood niyo po ba ang report ni Jessica Soho? Yung mga evacuees daw po halos wala nang makain. Hindi naman daw nakakarating ang tulong sa kanila.

Sabi po sa report,

“An unidentified evacuee said that they were going hungry as they had received no food assistance at all. “Di ba ang pagkain, tatlong beses? Ginawa na lang naming dalawang beses para ma-ipon namin ‘yung pagkain,” said the female evacuee.”

Pakisabi naman po sa DSWD na ayusin po ang trabaho nila. Yung pinangako niyo pong financial assistance sa kanila, hindi pa po nila nakukuha kasi daw ibibigay daw sa kanila pagbalik sa Marawi, kailan pa po yun? Nagugutom na ang mga tao, gusto din makapagsimula ng bagong buhay, pero ang pinangako niyong tulong ay hindi pa nakakarating.

Hirap at gutom samahan niyo pa ng takot ang nararamdaman nila pero walang tulong na nakakarating. Saan na po ang sinasabi niyo na hindi niyo papabayaan ang Mindanao?

Huwag niyo po silang kalimutan Tay, sana po makausap niyo ang DSWD. Mas mabuti pa assign niyo dun si Asec. Badoy. Mukhang marami syang alam lagi eh.

Maawa kayo sa Marawi. Wag magbingi-bingihan sa hinaing nila. Wag puro salita, dagdagan niyo din ng gawa paminsan minsan.

Inis sa Makupad,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *