HINAING NG ISANG INA

A

ANAK NANDITO NA SI MAMA

Umalis ako para mabigyan ka ng magandang buhay..
Nagtrabaho ako sa ibang bansa para iyong kinabukasan..
Ang lungkot at hirap tiniis ko kasi gusto kong maibigay ang pangangailangan mo..

Sa gabi kahit anong pagod, makausap lang kita anak, nawawala lahat yun.
Pag nagkekwento ka na tungkol sa mga pangarap tuwang tuwa ako…
Alam ko sa puso ko pinapahalagahan mo ang sakripisyo ko..

Anak, nandito na si Mama…
Pero hindi na kita mayayakap, anak…
Hindi ko na maririnig ang mga paglalambing mo…
Hindi ko na makikita ang pagtupad mo sa pangarap mo…

ANAK, NANDITO NA SI MAMA…

#JusticeForRaymarSiapo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *