Himayin ang Federalism ni Duterte

Dear KaPAB,

Ngayon na tapos na daw ang draft ng constitution for federalism. Sabay-sabay nga nating himayin kung ano ang mga nakakatakot na provision. May nagpadala sa akin ng kopya. Kung ito na talaga ang version ng draft, ating himayin ang mga importanteng provision.

Ok yung Preamble may “united”.  So dapat sana may consultation. Ang problema kahit nga ang draft ng constitution na ginagawa nila, ayaw pa nilang magbigay ng final copy. Dapat magkaisa tayong magdecide at hindi lang ilang tao.

Article 1 Section 2

Incorporated  UNCLOS on sovereign rights over EEZ, pero walang sinabi na citizen shall enjoy EXCLUSIVE rights over all resources in those areas. Di ba dapat exclusive yung karapatan natin doon kasi atin naman ang teritoryo? Unless…

Article 2 Section 1:

Ang bago lang ay ang “national unity”

Article 2 Section 2-4

Pareho lang. Walang bago.

Section 5

”Benevolent Neutrality”? Nasa Constitution na din natin to ngayon. Separation of Church and State.

Section 6

Walang bago.

Section 7

They expand nuclear weapons, so puwede na din bio weapons.

Section 8

Parang hindi naman ginagawa to ng current administration. Yung mga taong involve sa corruption, tinatanggal tapos nirerecylcle din. Ni hindi nga pinaparusahan eh.

Section 9

Full public disclosure? Pirmahan na lang sana ang FOI na batas hindi pa tayo gagastos ng malaki.

Section 10.

Highest quality of governance? Parang nasa Local Government Code na din ito.

Actually as I read the draft, yung mga provision na kumuha talaga sa pansin ko ay ang mga sumusunod.

1.

 

Cyberspace? So kailangan na din magtrain ang lahat ng sundalo sa cyberwarfare? Magkakaroon ba ng cyber martial law?

2. 

 

Ibig sabihin, as soon as maratified ang Federalism na ito, magkakaroon ng unlimited power ang presidente. Nasa kanya ang legislative, judiciary at executive power sa loob ng tatlong taon.

Lahat puwede niyang gawin para maiayos niya ang lahat. Kasi sa bagong constitution puwede syang tumakbo uli.

Isipin niyo kung ano ang puwedeng mangyari sa loob ng tatlong taon kung saan hawak niya ang lahat ng kapangyarihan? Baka mas doble pa ang mga mamamatay.

Tapos magkakaroon sya uli ng another 8 years kung mananalo sya sa election. Basura ang bansa pagtapos ng 8 years.

Ang federalismo ay binuo para sa mga taong ganid sa kapangyarihan.

Bilyones ang gagastusin ng pag shift to federalism. Saan tayo kukuha ng pera? TRAIN 2.0? Or uutang na naman tayo sa China na sobrang taas ng interest?

Huwag tayong papayag, na magtagumpay ang planong kasamaan sa ating bayan.

Maninindigan para sa demokrasya.

Makikipaglaban Hanggang sa Huli,

PAB

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *