#HILBAYanihan: Istorya Ng Kampanya Ni Pilo

Dear KaPAB,

Hindi ko alam kung naka follow kayo kay Atty. Pilo Hilbay page, pero hayaan niyong ikwento ko sa inyo kung paano nagtutulong-tulong ang mga ordinaryong Pilipino sa kampanya ni Pilo.

Ang Kwento ni Ethel at Zena

Eto ang mga volunteers na nagdesisyon tumulong kay Pilo para makadagdag sa campaign collaterals ni Pilo.

 

Humingi sila ng tulong sa mga ordinaryong Pilipino para makapagawa ng materials para kay Pilo. Si Zena naman Ang incharge sa distribution. Either pinapadala or minsan hinahatid pa.

 

 

Mula Northern Luzon hanggang Pilar, Sorsogon.

 

Volunteerism

Umiikot ang kampanya ni Pilo sa volunteerism ng mga kabataan.

 

Galing sa iba’t-ibang sektor tulong tulong para kay Pilo. Yung iba naghahatid ng tinapay na may kasamang palaman para may makain sila.

 

Yung iba nagbibigay ng biscuits at pancit canton.

 

 

Yung ibang bus driver tumutulong na din sa sarili nilang paraan.

 

 

Dahil kapos sa pera, yung mga volunteers na lang ang nagpapaphoto copy ng flyers para makatulong lang sa kampanya.

 

Mga ordinaryong tao, na nakikita niyo araw-araw na tumutulong kay Pilo. Gaya ni Nanay Yoly.

 

Alam niyo po, kapos man sa makinarya ang Hilbayanihan, pinupuno naman ito ng pagmamahal ng mga ordinaryong Pilipino.

Hindi lang ito kampanya ni Pilo. Kampanya natin ito. Sabay-sabay nating tatalunin ang salitang “imposible”. Hawak kamay natin dalhin si Pilo sa senado.

Pag nanalo si Pilo, may tatayo na para sa atin sa Senado, panalo tayo doon sigurado.

Isang Supporter,

PAB

Facebook Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *